PROLOGUE
Until now,
I keep on looking at your pictures pinned on my wall
I keep on thinking of you at night…
Until the sun’s in the midst of the cloud
(This is crazy…)
I keep on dreaming that someday I’ll be in your eyes
I keep on praying that I will someday touch your lips;
Hoping that I can breathe the air you breathe…
VICES.1
Nakakainip sa bahay. Mabuti na lang at may nag aya sa akin na mamasyal. Papunta ako sa isang hotel, mga 2 oras ang layo mula sa bahay namin. Makikipagkita ako sa isang matagal ko ng kaibigan. James ang pangalan niya. Pagtext niya ay nakiusap na rin ako na magkita naman kami sa ibang hotel; at sa mas malayo. Ayoko na may bigla akong makasalubong na kilala ko sa madalas na naming pinupuntahang hotel. At pumayag naman siya. Mga apat na taon na rin kaming magkakilala ni James. Pero sa pagitan ng apat na taon nay un ay nawalan kami ng komunikasyon dahil nagkaroon akong naging karelasyon.
Nakasakay na ako ng LRT; 30 minutes na lang nandoon na ako sa venue. Maya maya ay nakaramdam ako ng gutom. Alas dos na pala ng hapon at hindi pa ako nakapagtanghalian. Kinuha ko ang cellphone ko sa aking bag at nagpadala ng text message kay James.
“Sa Mcdo na lang tayo magkita, nagugutom ako. Hindi pa ako nglunch eh. Wala akong energy para mamaya. Hehe…” sabi ko sa text. Dalawang minuto ang lumipas at natanggap ko ng kanyang reply, “Ok, cge”.
Sarap bumyahe kapag hindi masikip ang trapik. Katulad ng sa tren. Tapos, ang gagawin mo lang ay magmamasid sa malayo habang nangangarap ng gising. Ito ang madalas kong gawain sa tuwing papasok ako ng eskwelehan. Malaya kang isipin kung ano ang gusto mo habang kung ano anong ideya ang pumapasok sa isip mo dahil sa marami kang mga bagay na nakikita na hindi mo naman talaga nakikita.
Maya maya ay nagvibrate ang cellphone ko. “Sa Edsa na lang tayo mgkita, sa kabilang exit”, text ni James. “Ok,” reply ko.
Ilang minuto pa ang lumipas at sari sari pang mga ideya ang pumasok sa isip ko habang nakikinig sa playlist ng aking ipod; masasaya, malulungkot.
“Approaching Edsa Station”, sabi ng voice over sa tren. Well, hindi ko alam kung anong tawag sa kanya. Pero sa wakas nakarating din, gutom na gutom na talaga ako. Inayos ko na ang sarili ko at hinanda na ang aking ticket para sa paglabas ng tren. “Edsa na ko,” text ko kay James.
Pagdating sa istasyon ay palingon lingon na ko sa paligid at hinahanap si James. Nasaan na ba yun, tanong ko sa isip ko. Nakalabas na ako ng gate at hindi ko pa rin siya nakikita. Ayaw kong ilabas ang cellphone ko sa ganun kadaming tao at baka masnatch pa ang kaisaisang cellphone ko. Palapit na ako ng hagdan pababa ng makita ko siya na doon naghihintay. Ngumiti ako para hindi naman suplada ang dating. Binuhat ko na ang paa ko pababa ng hagdan. “Hindi ka pa naglunch?” tanong niya. “Not yet”, sagot ko. Tinungo na namin ang fast food resto at pinapipili ng pagkain. Of course, rice meal ang inorder ko. Busog daw siya kaya nag order lang siya ng large fries. Mabilis naming nakuha ang order naming at umakyat sa second floor ng resto para doon kumain. Hindi na ako nagpatumpik tumpik pa at sumubo ng isang kutsarang pagkain; dalawa tatlo at higit pa. Tahimik akong kumain, ayoko magpaabala. Samantalang tahimik rin naman siyang linasap ang kanyang large fries na order. Sanay na siya sa ugali ko, pagiging suplada ng kaunti. Gutom na gutom akong sinisimot bawat butil sa plato ko. Maliit lang akong tao. Minsan lang ako may ganang kumain ng marami, at pagnangyayari yun, hanggang dalawang rice lang ang nakakaya ng tiyan ko.